Pagkilala sa WordPress Dashboard
Sa workshop na ito, maging familiar tayo sa WordPress Dashboard. Maikling titingnan namin ang lahat ng kailangan mong malaman upang simulan ang journey mo sa WordPress.
Mga resulta ng pag-aaral
- Maging pamilyar sa WordPress Dashboard at kung paano ito i-navigate.
- Kontrolin ang mga elementong lumilitaw sa administratibong pahina.
- Linawin sa pagkakaiba ng mga post at mga pahina.
- Magdagdag at i-manage ang mga media sa Media Library.
- Pamahalaan ang mga komento sa post.
- Pagkakaiba sa pagitan ng Site Editor at Customizer.
- Magdagdag at i-manage ang mga user roles.
Mga tanong sa pag-unawa
- Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng front-end ng aking site at ng WordPress Dashboard?
- Saan ka maaaring magdagdag ng mga bagong users o contributors sa iyong site?
- Ano ang mga advantages ng paggamit ng mga plugin?
Mga mapagkukunan
Mga tungkulin at kakayahan ng user
Pamamahala ng Mga Setting: Pangkalahatan
Pamamahala ng Mga Setting: Pagsusulat
Pamamahala ng Mga Setting: Pagbabasa
Pamamahala ng Mga Setting: Talakayan
Pamamahala ng Mga Setting: Mga Permalink
Pamamahala ng Mga Setting: Privacy
Transcript
Welcome sa Learn WordPress. Samahan kami upang mas makilala natin ang Dashboard. Para mag-log in sa iyong site, ilagay ang sumusunod sa isang web browser address bar, punan ang iyong mga detalye at mag-click sa Login. Kapag nag-log in tayo sa Dashboard, makikita natin ang admin bar sa itaas, at kapag nag-hover ka sa icon ng WordPress, lalabas ang isang dynamic na menu na may apat na link. Ang WordPress.org ay nagli-link sa pangunahing WordPress site. Ang mga documentations ay nalink sa opisyal na WordPress support documentation. Ang mga support ay nalink sa support area ng WordPress.org at ang feedback naman ay nalink sa support forum sa WordPress.org na dedicated para sa mga requests at feedback.
Ang susunod na icon sa admin bar ay ang home icon para sa iyong site at pag-click dito ay magdadala sa sa public-facing homepage ng iyong site, at kapag nag-click ka dito muli, dadalhin ka nito pabalik sa iyong Dashboard. Pagkatapos ay mayroong dalawang icon ng notifications: Lalabas dito ang mga bagong komento at updates. Ang pag-hover sa New ay naglalabas ng menu ng mga link upang lumikha ng mga bagong items gaya ng mga post, media items, mga pahina, o kahit na pagdagdag ng mga bagong users, at ang aktwal na nilalaman ng listahang ito ay nakadepende sa user role mo. At hanggang sa kanang sulok ng admin bar makikita mo ang iyong username at Avatar, at mula sa menu na ito, pag-click sa alinman sa iyong pangalan o pag-edit ng profile, dadalhin ka nito sa Edit Profile page. Sa ibaba lamang ng dark gray na admin bar ay may dalawang tab, ang tab na mga opsyon sa screen at ang tab ng tulong o supporta. Lumilitaw ang tab na mga pagpipilian sa screen sa karamihan ng mga pahinang pang-administratibo, at pinapayagan ka nitong kontrolin ang mga elementong lalabas sa pahinang iyon.
Sa Dashboard, makakahanap ka ng ilang administratibong widget o panel, at nakita mo kung paano ito maipapakita o maitatago gamit ang mga checkbox sa screen options tab. At ang kanilang posisyon ay maaari ding baguhin sa pamamagitan lamang ng pag-drag at pag-drop kung saan mo gusto. Bilang paalala, isa lamang ito sa mga posibleng configuration ng WordPress Dashboard. Magbabago ang view ng Dashboard batay sa kung anong mga plugin ang aktibo at nakabatay din sa napili mong hosting company at kung paano mo ito personal na kino-configure. Kapag ginagamit ang Quick draft widget, anumang bagay na ipinasok sa forum na ito ay ise-save bilang isang draft na post, iyon ay, ise-save ngunit hindi pa nai-publish sa iyong site. Napakadaling gamitin nito para sa pagsusulat ng mga mabilisang ideya para sa mga post na gusto mong balikan at tapusin sa ibang pagkakataon. Ang At a glance widget ay nagbibigay sa iyo ng mabilis na kabuuan para sa bilang ng mga pahina, post at komento na kasalukuyang nasa iyong site. Ipinapakita rin nito ang kasalukuyang tema at ang version ng WordPress na iyong ginagamit. Ang Activity ay ipinapakita mga pinakabagong post at komento. At ang mga WordPress events at news panel ay isang mahusay na paraan upang makibahagi sa komunidad ng WordPress. Batay sa iyong lokasyon, makakakita mo ang listahan ng iba’t ibang mga kaganapan at meetups na nauugnay sa WordPress.
Ngayon ang pinakakaraniwang paraan ng paglipat sa lugar ng admin ay sa pamamagitan ng paggamit ng mga link sa nabigasyon sa kaliwang sidebar. Ang ilan sa mga ito ay madalas na ginagamit kaysa sa iba, partikular na ang mga posts, pages at komento. Mapapansin mo na higit pa sa mga item sa menu na nakatuon sa nilalaman ay matatagpuan sa tuktok na seksyon, samantala ang mga menu items ay nakatuon sa functionality, appearance at iba pang mga settings ay pinagsama-sama sa ibaba.
Susunod, pag-usapan natin ang mga post. Ang mga posts ay syang bumubo sa iyong blog. May mga indibidwal na piraso ng nilalaman sa iyong pahina ng blog. Kapag nag-publish ka ng isang post, ito ay karaniwang makikita sa reverse chronological order sa iyong mga post page na kapag may bisita ka sa iyong site, makikita nila ang mga pinakabagong post, at ang mga ito ay magbabago sa paglipas ng panahon habang nagdagdag ka ng bagong nilalaman. Ang mga page, sa kabilang banda naman, ay para sa mga static na content. Kapag nag-click ka sa Quick edit, mabilis mong palitan ang mga kategorya, mga tag at ilang iba pang mga item. Ang Trash ay naglilipat ng posts sa trash folder, at maaari mong marecover sa loob ng 30 araw. Maaari kang gumamit ng mga checkbox sa tabi ng mga post upang magsagawa ng maraming actions sa multiple item. Maaari mo ring i-filter ang listahan ng mga post ayon sa petsa, buwan, at taon, at mga kategorya. Panghuli, maaari kang maghanap ng mga salita o parirala na maaaring nasa iyong mga post. Bago tayo tumingin sa media, pag-usapan muna natin tungkol sa mga pahina. Ang isang page ay para sa static na content at ito ay usually hindi naiiba, bagama’t tulad ng isang post, maaari mo itong i-update kahit kailan mo gusto. Ang mga page ay may kapaki-pakinabang tulad ng about page, contact page o kahit tulad ng history ng iyong site o kumpanya.
Ang Media Library ay naglalaman ng lahat ng iyong media file, mula sa mga imahe, audio file, Excel spreadsheet hanggang sa mga PDF. Maaari mong ipakita ng mga item sa grid view o list view. Kapag pinili mo Add new, at mag-click sa Select files, maaari kang mag-upload ng media mula sa iyong computer, o mag-drag at mag-drop ng maraming file sa itaas. Ang tanging bulk action para sa Media Library ay ang permanenteng pagbura ng mga media items.
Susunod, pag-uusapan natin ang tungkol sa mga komento. Kapag nag-click ka sa mga komento, makikita mo ang lahat na mga komento sa iyong site. Habang nagho-hover ka sa bawat komento, makikita mo ang iba’t ibang opsyon na available para sa iyo, gaya ng pag-apruba, hindi pag-apruba, reply, quick edit, edit, spam at trash. Sa kaliwa, makikita mo ang komento ay may impormasyon tulad ng kanilang pangalan, Gravatar at ang kanilang email address. Habang inililipat mo ang iyong cursor sa kanan, makikita mo rin kung saang post o page ang komentong ito. At hanggang sa dulong kanan, makikita mo ang petsa at oras kung kailan isinumite ang komento.
Sa Appearance section, maaari mong baguhin ang tema ng iyong site. Kung gumagamit ka ng block-based na tema, magkakaroon ka ng access sa Site Editor, na magbibigay-daan sa pag-edit sa pangkalahatang istraktura ng site. Tingnan ang mga link sa ibaba upang matuto nang higit pa tungkol sa Site Editor at full site editing. Ngunit kung gumagamit ka ng klasikong tema, magkakaroon ka ng access sa Customizer, mga widget at iba pa. Kapag binuksan mo ang Plugins menu at nag-click sa Add new, pwede kang mag-install, mamahala at mag-uninstall ng mga plugin para sa iyong site. Sa ilalim ng Users menu, maaari mong i-manage ang mga users. Ang iba’t ibang roles ay subscriber, contributor, author, editor, at administrator, at maaari kang matuto nang higit pa tungkol sa mga tungkuling ito mula sa mga resources sa ibaba. Upang matuto nang higit pa tungkol sa mga settings, sundin din ang mga link sa ibaba. Nag-publish tayo ng isang serye ng Mga Setting ng Workshop.
All the best habang sinisimulan mo ang pag-explore at paggamit ng WordPress. Bisitahin ang Learn WordPress para sa higit pang mga workshop at materyal sa pagsasanay.